MANILA, Philippines - “We will do better”.
Ito ang deklarasyon ni Ginia Domingo, ang Kia Motors President at CEO at team representative sa PBA Board of Governors, matapos ang kanilang kampanya sa una nilang komperensya.
Bago sumabak sa liga ay inamin ni Domingo na magiging mahirap ang kanilang pagkampanya sa PBA.
“As a newcomer in the pro-league, we knew from day one that we were going to have a tough and challenging entry into the PBA,” wika ni Domingo.
Tinapos ng Sorento ni playing coach Manny Pacquiao ang 2014-2015 PBA Philippine Cup mula sa 1-10 record.
Ang tanging panalong naitala ng Kia ay laban sa kapwa expansion team ring Blackwater, 80-66, sa pagbubukas ng 40th season ng PBA noong Oktubre 19 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
“Our players tried their best to gel in the short time we had to form the team,” sabi ni Domingo. “We ask the basketball community to give us some more time. Forming a competitive team is an on-going process.”
Matapos ang Kapaskuhan ay magbabalik sa pag-eensayo ang Sorento ngayong araw para paghandaan ang darating na PBA Commissioner's Cup.
“We are also reviewing the performance of the entire Kia basketball organization, with a view to improving our coordination and standing in the next conference, which starts in Feb. 2015,” ani Domingo.
Tiniyak ng Kia official na lalo pang magpupursige ang koponan para mapasiya ang kanilang mga fans.
“You can count on the KIA Sorento basketball team to live up to its marketing battle cry as the team with the Power to Surprise!”