MIAMI--Walang nararamdamang pag-aalinlangan si LeBron James para sa kanyang homecoming.
Hindi siya natatakot ukol sa kanyang kaligtasan kumpara nang una siyang naglaro para sa kanyang pagbabalik.
Ngunit hindi ito maikukunsiderang isang homecoming dahil hindi naman niya tunay na tahanan ang Miami na kanyang tinirhan sa apat na taong paglalaro para sa Heat.
Magbabalik si James para harapin ang Heat, ang koponang naglunsad sa kanya bilang isang superstar at maging isang two-time NBA champion superstar.
At naghanda siya pati na ang Cleveland Cavaliers para sa inaasahang magiging emosyunal na Christmas visit.
“To say I haven’t thought about going back, I would be lying,’’ sabi ni James sa Cleveland noong Martes ng gabi matapos talunin ng Cavaliers ang Minnesota.
“It’s going to be great to be back in that building around those unbelievable fans and the memories will definitely come back, being a part of the organization for four years.’’
Inaasahan naman ng Heat ang kanilang reunion ni James.
Hindi maitatago na may ilang nagalit kay James nang umalis siya sa Miami.
Makikita pa ang kanyang mga alaala.
May itinatago pa si Heat coach Erik Spoelstra ng mga larawan ni James sa kanyang opisina at mga sulat sa ‘’Championship Alley’’ - ang hallway patungo sa Miami locker room.
Nananatili ang relasyon ni James sa ilang Heat players, at patuloy ang kanilang pagiging magkaibigan ni Dwyane Wade.