MANILA, Philippines – Kabuuang 13 continental teams at dalawang national squads ang sasabak sa sixth edition ng Le Tour de Filipinas na pakakawalan sa Pebrero 1-4 sa susunod na taon.
Ito ang sinasabing magiging pinakamahigpit na kompetisyon sa taunang Le Tour, ang tanging International Cycling Union (UCI)-sanctioned road race sa bansa, ayon kay race organizer Donna Lina-Flavier ng Ube Media.
“With 13 continental and two national squads, the 2015 Le Tour will definitely be the most exciting,” sabi ni Lina-Flavier. “Unlike in the past editions when club teams joined the race, this time, the Le Tour has made its name as one of the most competitive in Asia.”
Ang mga magbabalik na continental teams sa Le Tour ay ang Satalyst Giant Racing Team (Australia), CCN Cycling Team (Brunei), Astana Continental Team (Kazakhstan), Pegasus Continental Cycling Team (Indonesia), TPT Cycling Team (Iran), Terengganu Cycling Team (Malaysia), Bridgestone Anchor Cycling Team (Japan) at 7-Eleven (Philippines).
Sasamahan sila ng mga Le Tour first-timers na Team Novo Nordisk (USA), RTS Carbon (Taiwan), Attaque Team Gusto (Taiwan), Pishgaman Yazd Pro Cycling Team (Iran) at Singha Infinite Cycling Team (Thailand).
Lalahok din ang national team ng PhilCycling bilang bahagi ng kanilang preparasyon para sa Asian Road and Track Championships sa Pebrero at sa Singapore Southeast Asian Games sa Hunyo.
Makikita rin sa aksyon ang national team ng Uzbekistan na maghahanda naman para sa Asian championships.
Magbabalik ang 2015 Le Tour sa tanyag na Kennon Road route para sa Baguio City finish sa Stage Four.
Ang Stage One sa Pebrero 1 ay isang 126-kilometer Balanga-Balanga sa Bataan, habang ang Stage 2 sa Pebrero 2 ay isang 153.75-km ride mula sa Balanga hanggang Iba sa Zambales at ang Stage 3 sa Pebrero 3 ay isang 149.34-km rout buhat sa Iba patungong Lingayen, Pangasinan. Para sa Stage 4 sa Pebrero 4, ang Le Tour, naisama sa Visit the Philippines 2015 prog-ram ng Department of Tourism, ang labanan ay mula sa Lingayen hanggang Baguio City via Kennon Road na isang 101-km ride.