^

PM Sports

3 kandidato para sa PSA Athlete of the Year

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatlong atleta ang kandidato para sa Athlete of the Year na paparangalan ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa idaraos na Annual Awards Night sa February 16 ng susunod na taon.

Ang mga kandidato para sa pinakamataas na parangal na ibinibigay ng PSA ay sina cyclist Daniel Caluag,  professional boxer Donnie Nietes at archer Gabriel Moreno.

Si Caluag ang naghatid nfg kaisa-isang gold medal ng Philippines  sa Incheon 17th Asian Games noong October matapos manalo sa BMX event na nagsalba sa napipintong nakakadismayang kampanya ng Pinas sa Asiad.

Nakatakda namang higitan ni Nietes ang record ng dating sikat na boxer na si Gabriel ‘Flash’ Elorde bilang pinakamatagal na reigning Filipino world champion dahil hindi pa siya natatalo sa loob ng 7-taon sa kanyang paghahari sa minimumweight at light-flyweight divisions.

Si Moreno naman ay nanalo ng  gold sa mixed team event ng archery sa Youth Olympic Games katambal si Li Jiaman ng China. Siya ang unang Pinoy na nanalo ng gold sa naturang kompetisyon.

Igagawad din ng pinakamatandang media organization sa bansa ang Major awards at citations sa mga atleta at organi-sasyon na nagbigay karangalan sa bansa sa nagdaang taon.

Ibibigay din ang President’s Award,  Executive of the Year, National Sports Association of the Year at  Tony Siddayao Awards.

vuukle comment

ANNUAL AWARDS NIGHT

ASIAN GAMES

ATHLETE OF THE YEAR

DANIEL CALUAG

DONNIE NIETES

EXECUTIVE OF THE YEAR

GABRIEL MORENO

LI JIAMAN

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION OF THE YEAR

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with