^

PM Sports

Celtics nanalo kahit wala na si Rondo

Pang-masa

BOSTON – Hindi mapakali si Celtics coach Brad Stevens kaugnay sa ilalaro ng kanyang kopo­nan matapos ibigay si Rajon Rondo sa Dallas sa pa­mamagitan ng trade.

Maganda naman ang ipinakita ng Boston.

Isang araw matapos dalhin ang kanilang NBA assists leader sa Mavericks, tinalo ng Celtics ang Min­nesota Timberwolves, 114-98.

“I’m looking forward to seeing what kind of emo­tion we have,” sabi ni Stevens bago ang laro.

“We did a lot of good things. I thought the ball was moving great,” wika niya matapos ang ka­nilang panalo sa Minnesota.

Nagdagdag si Jeff Green ng 18 points para sa Bos­ton, habang may tig-14 sina Jared Sullinger, Ty­ler Zeller at Avery Bradley.

Nalasap naman ng Timberwolves ang kanilang ika-10 kabiguan sa nakaraang 11 laro.

Kinuha ang 95-92 abante sa gitna ng fourth quar­ter, umiskor ang Celtics ng walong sunod na puntos para makalayo sa 107-94 sa 3:25 minuto.

Umiskor si Kelly Olynyk ng 21 points para pa­­munuan ang anim pang Celtics na nagtala ng double figures.

Ang Minnesota ay pinamunuan ni Shabazz Muhammad sa kanyang 26 points, habang nag-am­bag si Chase Budinger ng season-high 19 mula sa bench.

Sa San Antonio, umiskor si Damian Lillard ng career-high 43 points, kasama ang 16 matapos ang regulation, para akayin ang Portland Trail Blazers sa 129-119 triple overtime win.

Nagdagdag si LaMarcus Aldridge ng 32 points at 16 rebounds.

ANG MINNESOTA

AVERY BRADLEY

BRAD STEVENS

CHASE BUDINGER

DAMIAN LILLARD

JARED SULLINGER

JEFF GREEN

KELLY OLYNYK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with