OAKLAND, Calif. -- Nagposte si guard Stephen Curry ng 34 points at 9 assists at nakabangon ang Golden State Warriors mula sa maagang 17-point deficit para ta-lunin ang Oklahoma City, 114-109.
Hindi natapos ni Thunder star Kevin Durant ang laro matapos magkaroon ng sprained right ankle.
Umiskor si Durant ng season-high 30 points mula sa 10-for-13 shooting sa first half bago niya natapakan ang paa ni Marreese Speights.
Sinabi ng Thunder na si Durant ay nagkaroon ng mild ankle sprain.
Nagwakas ang seven-game winning streak ng Oklahoma City dahil sa kanilang pagkatalo sa Golden State.
Nauna nang natapos ang 16-game winning run ng Warriors makaraang matalo sa Memphis Grizz-lies noong Martes.
Nagdagdag si Klay Thompson ng 19 points para sa Warriors, muling naglaro nang wala sina injured center Andrew Bogut (right knee) at forward David Lee (left hamstring).
Pinangunahan ni Russell Westbrook ang Thunder sa kanyang 33 points.
Nagpalitan ng basket sina Westbrook at Curry sa huling mga minuto ng fourth quarter bago nakalayo ang Warriors para biguin ang Thunder.
Tumipa si Curry ng isang pull-up jumper, habang nagsalpak si Draymond Green ng putback para ibigay sa Golden State ang 110-105 abante sa huling 1:39 minuto sa laro.
Tumipa si Reggie Jackson ng layup matapos ang timeout para idikit ang Thunder hanggang umiskor si Harrison Barnes ng isang fadeaway sa natitirang 17.3 segundo para selyuhan ang panalo ng Warriors.
Tumapos si Green na may 16 points, 9 rebounds at 9 assists, habang nagdagdag si Barnes ng 12 points at 7 rebounds.