Baldwin kaysa kay Uichico
Si Tab Baldwin ang mahihirang na susunod na head coach ng Gilas Pilipinas.
Ito ang ‘hint’ na aking nakuha sa aking maiksing pakikipaghuntahan kay dating national coach Chot Reyes sa Christmas thanksgiving ng Sports5 sa mga sportswriters sa isang restobar sa Mandaluyong City nitong Miyerkules ng gabi.
“Completely out ka na ba sa Gilas o magse-serve ka as coaching consultant?” tanong ko kay coach Chot.
“Depende kay Tab (Baldwin). Pero ako ang nagdala dito (sa Pilipinas) sa kanya. At least, hindi gaano ang pressure non,” sagot niya.
Hindi na ako nag-follow up pa, at binasa ko na lang ang linya ng salita ni coach Chot -- head coach si Tab Baldwin, assistant coach si Jong Uichico and consultant si Reyes.
Inaasahang pormal na iaanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang makeup ng coaching staff na ito bago magpasko o pagbalik ng SBP delegation mula sa pagdalo sa FIBA World Cup hosting workshop sa Geneva, Switzerland.
***
Sa isang tweet ni coach Chot ko nalaman ang magandang bagay na binanggit ni Cleveland Cavaliers coach David Blatt tungkol sa Pilipinas sa post-game interview matapos nilang talunin ang Charlotte Hornets noong Martes.
“I love the Philippines. I’m glad to see that they did so well this year in the world championship. Great for them and the country,” ani Blatt ng mala-man niya na ang susunod na magtatanong ay mula sa Pilipinas (Rex Alba ng Yahoo Philippines).
“Thx for d great words fr a Coach I followed since his FIBA Euro days - Coach Blatt,” ani Reyes sa kanyang Twitter account.
***
Tungkol sa PBA, tanong ni coach Chot sa isang sportswriter na Ginebra fanatic: “What happened to your team.”
‘Yun din ang tanong ng marami, considering ang Ginebra ang isa sa pinakamalakas na team sa PBA kung kabuuan ng lineup ang paguusapan.
- Latest