SACRAMENTO, Calif. – Kumolekta si guard Russell Westbrook ng 32 points at 7 assists, habang nagdagdag si Kevin Durant ng 26 points para ihatid ang Oklahoma City Thunder sa 104-92 panalo laban sa Sacramento Kings.
Ito ang pang-pitong sunod na panalo ng Thunder.
Ito naman ang unang laro ng Kings matapos sibakin si Michael Malone bilang head coach.
Si lead assistant Tyrone Corbin ang pumalit kay Malone.
Kaagad na itinala ng Thunder ang 16-point lead sa first quarter bago nakalapit ang Kings sa pitong puntos sa halftime.
Muling sumandal ang Oklahoma City kina Westbrook at Durant, nagbalik mula sa isang fractured right foot injury.
Umiskor si Rudy Gay ng 22 points at si reserve Carl Landry ay nag-ambag ng 14 points sa panig ng Sacramento.
Dalawang beses lumamang ang Kings sa fourth quarter mula sa mga jumpers ni Landry bago sila nadepensahan ng Thunder.
Nagpalitan sina Westbrook at Durant sa pagtirada ng basket para ibigay sa Thunder ang 98-88 bentahe sa huling 2:47 minuto.
Sa Memphis, ginamit ng Grizzlies ang malalim nilang ng bench para wakasan ang 16-game winning streak ng Golden State Warriors sa pamamagitan ng 105-98 tagumpay.
Tumipa si Vince Carter at ang Grizzlies ng 20 sunod na puntos para simulan ang second quarter.
Iniskor ni Carter ang 11 sa kanyang season-high na 16 points sa naturang atake ng Memphis.
Kumamada si Marc Gasol ng 24 points at naglista si Zach Randolph ng 17 points at 10 rebounds para sa pang-limang sunod na panalo ng Grizzlies.
Nagposte si Mike Conley ng 17 points, habang nagdagdag si reserve Jon Leuer ng 11 para sa Memphis.
Naimintis ni Stephen Curry ang kanyang back-to-back 3-pointers sa huling 10 segundo para tumapos na may 19 points mula sa malam-yang 9-of-25 shooting sa panig ng Warriors.
Umiskor si Klay Thompson ng 22 points para sa Warriors, habang nagtala si Marreese Speights ng 18. Nagtala si Harrison Barnes ng 11 points bagama’t lumaro ito na may maskara para protektahan ang fracture sa mukha.