Umaatikabong bakbakan ng Alaska at Rain or Shine
MANILA, Philippines - Muling lalabanan ang Rain or Shine, inaasahan ni Alaska Milk coach Alex Compton na magiging klasiko ang kanilang sagupaan sa best-of-seven semifinals series ng 2014-2015 PBA Philippine Cup.
Sa kanilang semis series noong nakaraang PBA Governors’ Cup, tinalo ng Elasto Painters ang Aces, 97-94 sa Game Five para tapusin ang kanilang banggaan sa 3-2 panalo-talo.
Ang field-goal basket sa dulo ng laro ang siyang tumapos sa ilang beses nilang palitan ng kalamangan.
Sa kanilang elimination-round meeting nga-yong komperensya ay inungusan din ng Rain or Shine ang Alaska, 98-95.
“I expect a very good series with all games co-ming down to the last play,” sabi ni Compton.
Nakawala sa kanilang mga kamay ang outright semifinal berth, kinaila-ngang talunin ng Aces sa dalawang knockout stage ng quarterfinals ang NLEX Road Warriors at ang Meralco Bolts.
Natalo ang Alaska sa kanilang huling dalawang laro sa eliminations.
At sa kanilang mga panalo sa NLEX at Meralco ay napasakamay nila ang momentum patungo sa semis series nila ng Rain or Shine.
Sinabi ng Alaska energetic forward na si Calvin Abueva na hihigpitan nila ang depensa kontra sa Rain or Shine.
Para sa posible nilang psy-war ni Guiao, sinabi ni Abueva na “My concern is the game inside the court and not off it.”
Idinagdag pa ni Abueva na mataas ang kanyang respeto sa coach na mambabatas na si Guiao na kumakatawan sa isang distrito ng Pampanga sa Congress.
“Binoto ko siya,” biro ni Abueva.
Wala namang nakikitang rambulan sa serye si Compton.
“Obviously, I have a high respect for them, one because I started my coaching career with them,” wika ni Compton, isang dating Rain or Shine assistant coach.
“Coach Yeng is one of the best in the league. Just everybody that has gone under him speaks highly of him. That’s something,” dagdag pa nito.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Talk ‘N Text at Ginebra para sa karapatang labanan ang San Miguel Beer sa semifinals.
- Latest