Pacquiao-Mayweather fight malabo

MANILA, Philippines – Wala talagang balak labanan ni Floyd Mayweather Jr. si Manny Pacquiao.

Wala kina Pacquiao at Amir Khan ang lalabanan ni Mayweather sa Mayo sa susunod na taon.

Sinabi ni Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotions na hindi maitatakda ang Mayweather-Pacquiao fight taliwas sa inaasahan ng mga boxing fans.

“Is it going to happen? I don’t think so. That’s my personal opinion,” sabi ni De La Hoya kay Rick Reeno ng www.boxingscene.com.

Nakausap ng Showtime si Mayweather kamakailan at inihayag ang kahandaan niyang labanan si Pacquiao.

At kung hindi ito mangyayari, ang susunod na opsyon ni Mayweather ay ang labanan si Khan.

“So, what’s Plan B for Mayweather? Not the fight that he wants, but the fight that he needs? Amir Khan,” ani Dela Hoya sa 28-anyos na British-Pakistani.

Dinaig ni Khan si Devon Alexander noong Linggo sa Las Vegas para maihanay sa elite welterweight circle kasama sina Mayweather at Pacquiao.

Nauna nang ikinunsidera ang dating sparring partner ni Pacquiao na maging kalaban ni Mayweather.

Ngunit hindi ito nangyari at sa halip ay pinili ng American superstar na harapin si Marcos Maidana.

Nabanggit rin ang pangalan ni Khan, isang silver medalist noong 2004 Athens Olympics, bilang potential na kalaban ni Pacquiao.

Subalit dahil sa iisa ang kanilang trainer na si Freddie Roach ay ayaw nilang magsagupa sa ibabaw ng boxing ring.

Ngunit ito ay posible nang mangyari.

Sinabi ni Dela Hoya na alam na niya ngayon kung bakit ayaw labanan ni Mayweather si Khan.

“Now I know why Floyd Mayweather doesn’t want to fight Amir Khan. Now I know why. I wouldn’t fight Amir. I wouldn’t fight Amir Khan either,” ani Dela Hoya.

Ang anumang laban sa pagitan nina Pacquiao, Mayweather at Khan ay isang magandang panoorin.

Handa ang dating light-welterweight champion na sagupain ang sinuman kina Mayweather at Pacquiao.

Show comments