Khan puwede ring makalaban ni Mayweather
LAS VEGAS – Dinomina ni Amir Khan ang dating kampeon na si Devon Alexander sa isang welterweight matchup para makasama ang kanyang pangalan sa mga maaaring sagupain ni Floyd Mayweather Jr. sa susunod na taon.
Epektibong ginamit ni Khan (30-3) ang kanyang bilis at mabigat na kanang kamay sa bawat round para talunin si Alexander.
Bagama’t hindi naman napabagsak o nasaktan man lamang ng Bri-tish fighter si Alexander (26-3) ay naging impre-sibo sa kanyang ipinakita para makasama sa lineup ng maaaring makasagupa ni Mayweather.
“I didn’t call Floyd Mayweather out with total confidence before, but now I feel I proved to everyone I deserve that fight,” sabi ni Khan.
Ayon naman kay Promoter Oscar De La Hoya, ang laban nina Khan at Mayweather ang gusto niyang mapanood sakaling hindi matuloy ang salpukan nina Mayweather at Manny Pacquiao.
“He almost had a perfect fight with a southpaw, which is very complica-ted,” sabi ni De La Hoya kay Khan. “He has proven himself over and over again. You can see the determination in Khan’s eyes that he wants Mayweather.”
- Latest