GENERAL SANTOS CITY, Philippines – Hindi balakid kay Efren ‘Bata’ Reyes ang pagiging isang 60-anyos.
Ito ay matapos lusutan ni Reyes si Demosthenes Pulpul, 11-10, para pagharian ang MP (Manny Pacquiao) Cup Philippine Open 10-Ball noong Biyernes ng gabi rito sa SM City.
Ibinulsa ni Reyes ang premyong $13,000 mula kay Congressman Manny Pacquiao, nasibak sa elimination round.
“Nagpapasalamat talaga ako sa suporta ni Congressman Pacquiao sa sports dahil hindi na kami kailangang mangibang-bansa para lumaban ng bilyar,” sabi ni Reyes.
Ipagdiriwang ang kanyang ika-36 kaarawan sa Disyembre 17, makakatambal ng world eight-division champion na si Pacquiao si world billiards king Ronnie Alcano sa pagsargo ng doubles event ngayong araw.
Makakatuwang naman ni Reyes ang kanyang kumpareng si Francisco ‘Django’ Bustamante sa kanilang kampanya sa naturang event.