Wall dinala ang Wizards sa panalo laban sa Clippers

WASHINGTON – Da­­lawang beses itong nangyari.

Tinapik ni John Wall ang bola kay Chris Paul, at tumama ang bola sa binti ng Los Angeles guard pa­labas.

Ang nasabing depen­sa ni Wall ay kasing halaga ng kanyang mga spin-move, up-and-under lay­up at mga assists.

Kinontrol ni Wall ang laro sa kanyang 10 points at 11 assists para tulungan ang Washington Wizards na wakasan ang nine-game winning streak ng Clip­pers sa pamamagitan ng kanilang 104-96 pana­lo.

“He isn’t going to tell you that, but I know this kid well enough to tell you that he was waiting for this game, he wanted to win this game,” sabi ni Wizards center Marcin Gortat kay Wall.

Ito ang unang panalo ni Wall sa kanilang pitong beses na paghaharap ni Paul.

Isinara ng Wizards ang first half sa likod ng isang 12-2 atake para kunin ang 57-42 bentahe at hindi na pi­nalapit ang Clippers sa walong puntos sa second half.

Umiskor si Beal ng sea­son-high na 29 points, habang may 18 si Gortat para sa Wizards, naipana­lo ang pito sa kanilang hu­ling walong laro.

Tumapos naman si Paul na may 19 points, 7 re­bounds, 6 assists at season-high na 6 turnovers sa panig ng Clippers.

Sa New Orleans, ku­mo­lekta si Tyreke Evans ng 31 points at 10 assists, habang dinuplika ni Ryan Anderson ang kanyang career high na walong 3-pointers para tumapos na may 30 point at igiya ang New Orleans Pelicans sa 119-114 panalo kontra sa Cleveland Cavaliers.

Iniwan naman ni forward Anthony Da­vis ang Pelicans sa 5:30 minuto sa first quarter matapos mag­reklamo ng pananakit ng dibdib.

Tumipa naman si Le­Bron James, nagbalik mu­la sa one-game absence dahil sa sumasakit na kaliwang tuhod, ng 41 points, habang may 21 si Love para sa Cavaliers.

Sa Minneapolis, hu­mu­got si Russell Westbrook ng 20 sa kanyang 34 points sa first half para pamunuan ang Oklahoma City Thunder sa 111-92 pananaig laban sa Minnesota Timberwolves.

Ito ang pang-limang su­nod na panalo ng Thunder.

Nagdagdag si Kevin Du­rant ng 16 markers pa­ra sa Oklahoma City.

Show comments