NEW YORK -– Sisimulan na ng National Basketball Association (NBA) at ng Sprint ang NBA All-Star Balloting 2015 sa New York City, ang official host city ng NBA All-Star 2015.
Ngayong hapon sa kasagsagan ng rush hour, ipagdiriwang ng NBA at ng Sprint ang pagsisimula ng botohan kung saan may inilagay na voting fan stations sa labas ng Madison Square Garden at sa Barclays Center.
Sina NBA Legends Darryl Dawkins, Earl Monroe, Gary Payton at Mitch Richmond ang babati sa mga fans at commuters para hikayatin silang gawin ang pagboto sa espesyal na NBA-themed voting booths.
Ang NBA All-Star Balloting 2015 na inihahandog ng Sprint ay magbibigay sa mga fans sa buong mundo ng pagkakataong iboto ang mga paborito nilang players bilang starters para sa NBA All-Star Game 2015.
Kasama sa unang pagkakataon sa official NBA All-Star Ballot ang mga kasalukuyang naglalarong players.
Patuloy na makakapili ang mga fans ng dalawang guards at tatlong frontcourt players para sa mga starters ng 2015 NBA All-Star Game.
Bilang bahagi ng all-digital program ng NBA, makakaboto ang mga fans sa NBA.com sa pamamagitan ng social media networks kasama ang Twitter, Facebook at Instagram.
Paraan ng pagboto:
-- Makikita ang NBA.com ballot sa 11 languages sa NBA.com/asb. Maaaring punuin ng mga voters ang isang balota bawat araw sa NBA.com/asb mula sa isang desktop o mobile browser.
-- Sa Twitter voting ay pinapayagan ang mga fans na mag-tweet ng isang boto para sa 10 unique players bawat araw sa pamamagitan ng All-Star balloting period. Ang tweet, retweet, o reply ay dapat may kasamang pangalan at apelyido ng player kakabit ang hash tag na #NBABallot.
-- Sa Facebook voting ay puwedeng mag-post ang fans ng isang status mula sa kanilang personal Facebook accounts. Dapat kasama sa posts ang pangalan at apelyido ng player at ang hash tag na #NBABallot. Maaaring magposte ang mga fans ng boto para sa 10 unique players per day.
-- Maaaring gamitin ng mga fans ang Instagram para makaboto sa pamamagitan ng pagpoposte ng isang original photo gamit ang #NBABallot kakabit ang pangalan at apelyido ng player sa photo caption.