CHICAGO -- May ningning sa mga mata ni Derrick Rose kagaya ng nakita sa kanya nang angkinin ang NBA MVP award.
Nagbalik na ang kanyang porma. Tumataas na kanyang comfort level. Nagsisimula nang maramdaman ni Rose ang dati niyang sarili.
“You all are going to be surprised by the way that I am playing. Just give me a little minute,’’ nakangiting sabi ni Rose. “I know where I am going to be. I know how good I am, and I’m very confident with my craft and how good I am. Period.’’
Ipinakita ni Rose ang kanyang All-Star form nang pangunahan nito ang Chicago Bulls sa 105-80 sa panalo laban sa Brooklyn Nets.
Umiskor siya ng pitong sunod na puntos sa arangkada ng Bulls sa second quarter na kinatampukan ng kanyang three-point play, layup at basket mula sa pasa ni Pau Gasol.
Tumapos si Rose na may 23 points mula sa 8-for- 15 fieldgoal shooting at 4-for-5 sa free throw line.
Nagtala din siya ng 3-for-7 clip sa 3-point range.