MANILA, Philippines - Napasama ang Pilipinas sa shortlist para sa hosting sa dalawang edisyon ng FIBA World Cup, a yon sa pahayag kahapon ng International Basketball Federation sa kanilang official website na www.fiba.com<http://www.fiba.com>.
Ang iba pang nasa listahan para maging punung-abala ng 2019 at 2023 editions ng FIBA flagship competition ay ang mga Asian countries na China at Qatar bukod pa sa tatlong European nations na Germany, France at Turkey.
Sinasabing malakas ang tsansa ng Germany na makuha ang hosting rights dahil posibleng katuwang nila ang France sa hosting.
Sa anim na kandidatong bansa, ang dalawa rito ay nakapagdaos na ng quadrennial meet.
Isinagawa ng Pilipinas ang event noong 1978 sa Araneta Coliseum at ang Turkey sa Istanbul noong 2010.
Ginawa ng FIBA ang pahayag bago ang FIBA Basketball World Cup Bid Workshop sa Geneva, Switzerland na dadaluhan ng six-man Philippine de-legation sa pamumuno nina Tourism Undersecretary at chief operating officer Domingo Ramon Enerio III, PBA chairman Patrick Gregorio at SBP executive director Sonny Barrios.
Ihahayag ng Central Board ng FIBA ang magi-ging 2019 host sa kanilang pulong sa Hunyo 18-19.
Iniulat ng fiba.com<http://fiba.com> na maaaring pumili ang FIBA sa mga matitirang bansa ng hahawak sa 2023 edition o palawigin pa ang bidding process.
“We are extremely pleased to announce that six countries have expressed their interest to host the biggest basketball tournament in the world,” sabi ni FIBA secretary general Patrick Baumann.
“The commitment to growing basketball as well as to stage first-class sporting events is something they all have in common,” dagdag pa nito.
Ang 2019 World Cup ang magtatampok sa 32 teams na papasa sa bagong competition system at calendar na ilu-lunsad ng FIBA sa 2017.
Ang lahat ng kandidatong bansa ay dapat dumalo sa workshop sa Geneva headquarters ng FIBA sa Dec. 15-16.