Mga kabayo ni Puyat nagpasikat

MANILA, Philippines - Nagpasikat ang mga kabayong inilaban ni horse owner Raymund Puyat nang manalo ang dalawang isinali sa malalaking stakes races na pinaglabanan sa 15th Philtobo Grand Championships noong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Tampok na panalo ang naipagkaloob ng dalawang taong filly na Valley Ridge na siyang lumabas bilang pinakamahusay sa pitong naglaban, kasama ang isang coupled entry sa Philtobo Juvenile Championship Cup na isinagawa sa 1,600-metro karera.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Valley Ridge pero ang huling dalawang panalo ay ibinigay ng regular na hinete na si Fernando Raquel Jr.

Si Raquel ay sumakay sa Super Spicy sa pagkakataong ito.

Halagang P1.8 mil-yon mula sa P3 milyong pinag-labanan ang sinungkit ng Valley Ridge para sa kanyang pinakamala-king panalo. Ipalalagay na magiging paborito na ang kabayo sakaling tumakbo sa Philracom Juvenile Championship.

Bago ang Valley Ridge ay kuminang muna ang Dolce Ballerina para kay Puyat sa Juvenile Fillies Championship Cup.

Halagang P600,000.00 mula sa P1 milyong prem-yo ang nakuha ng Dolce Ballerina na tinalo ang Rockmyworld sa pagdadala ni JPA Guce.

Ang Tap Dance ni Jeff Zarate ang kampeon sa 3YO Championship Cup habang ang Basic Instinct sa pagdiskarte ni Dominador Borbe Jr. ang kampeon sa 2,000-meter Philtobo Classic Cup.

 

Show comments