Tiwala lang sa Azkals
BANGKOK – Sinabi ni Azkals skipper Rob Gier na hindi na dapat pagdudahan ang Philippine men’s football team bagkus ay tingnan sila bilang mga “contenders” sa AFF Suzuki Cup 2014 matapos magtala ng 0-0 draw laban sa tournament favorite na Thailand sa kanilang sagupaan sa Manila noong Sabado.
“I think we were excellent against Thailand last Saturday and we proved a lot of people wrong, showing them we’re serious contenders in this tournament,” sabi ni Gier.
Sang-ayon dito si stri-ker Phil Younghusband. “We’ve shown in that game that we can compete with (strong) teams like Thailand,” aniya.
Punung-puno ng kum-piyansa ang Azkals na dumating sa Thai capital kahapon para sa Round 2 ng kanilang home-and-away semifinal duel laban sa pinapaborang War Elephants.
Sa tingin ni Gier, magtatagumpay ang Pinoy booters laban sa kanilang bigating katunggali sa kanilang sagupaan bukas sa Rajamangala Stadium para makapasok sa finals.
“I think if we put up a performance like that (home game) again, there’s no way we can play 180 minutes (two matches) and not score a goal. If we bring the same performance level, the same enthusiasm, the same energy, we’ve got a chance,” sabi ni Gier.
Matapos ang scoreless draw, nangangailangan na lamang ang Phl XI na maka-draw sa Match 2 para manalo ngunit mas matamis ang kanilang pagsulong sa finals kung tatalunin ang Thailand na huling nangyari 43-taon na ang nakakaraan.
- Latest