Nag-init si Irving sa panalo ng Cavs
NEW YORK – Ibaba-libag na sana ni Kyrie Irving ang bola dahil sa pagkadismaya, pinigilan siya ng kanyang head coach na hindi nagawa ng Knicks.
Naayos ang lahat sa isang timeout na hindi sang-ayon si Irving.
Ibinalik ni coach David Blatt ang bola sa kamay ng kanilang point guard na nagresulta sa basket ni Irving.
Umiskor si Irving ng season-high na 37 points, kasama dito ang layup sa huling 10 segundo para igiya ang Cavaliers sa 90-87 panalo kontra sa New York.
Ito ang pang-limang sunod na panalo ng Cavs.
“I saw something different out there, but that’s just part of the game,” sabi ni Irving sa itinawag na timeout ni Blatt. “He called timeout, drew up a heck of a play, trusted me with the ball at the end of the game, and we’re getting used to one another.”
Dinala ni Irving sa kanyang mga balikat ang Cavs bago umarangkada si LeBron James na tumapos na may 19 points at 12 assists.
Sa Portland, Oregon, humakot si LaMarcus Aldridge ng 18 points at 13 rebounds para sa kanyang ikaapat na sunod na double-double at igiya ang Trail Blazers sa 88-82 panalo sa Indiana Pacers.
Sa isa pang laro, giniba ng Golden State Warriors ang New Orleans Pelicans, 112-85, para manatili sa itaas ng Western Conference sa kanilang 16-2 card.
- Latest