^

PM Sports

Determinado ang Azkals

Pang-masa

MANILA, Philippines - Handang ipakita ng Azkals ang kanilang matatalim na pangil para sagpangin ang War Ele-phants ng bisitang Thailand sa pagsisimula nga-yong gabi ng 2014 AFF Suzuki Cup semifinals sa Rizal Memorial Football pitch.

Sa ganap na ika-8 ng gabi magsisimula ang aksyon na kung saan ang home team ay magnanais na makuha ang panalo hindi lamang para mailapit ang sarili sa kauna-unahang pagtungtong sa Suzuki Cup finals kungdi para tapusin din ang 43 taon na hindi nananalo ang Pilipinas sa Thais.

“We had have a couple of meetings individually with the players and eve-ryone is really focused on that (beat Thailand),” wika ni German/American Azkals coach Thomas Dooley. “The players wrote some history over the past ten months and they are not done yet.”

Wala ring nakikitang kahinaan si Dooley sa lakas ng Azkals matapos ang 2-1 karta sa Group Stage sa Hanoi, Vietnam. Tinalo ng bansa ang Laos at Indonesia (una matapos ng 80 taon) sa mga iskor na 4-1 at 4-0 bago isinuko ang 1-3 pagkatalo sa Vietnam, isang laro na no-bearing na sa Azkals.

Si Phil Younghusband na gumawa ng dalawang goals at may isang assist, ang siyang mangu-nguna sa pag-atake pero asahan na naroon pa rin ang suporta ng ibang kakampi lalo pa’t ang mga manonood ay nasa kanilang likuran para magsilbing dagdag puwersa upang maisantabi ang karanasan na taglay ng bisitang koponan.

Matapos ang larong ito ay lilipat sa Thailand ang tagisan sa Disyembre 10. Ang mananalo sa tapatang ito ang siyang makakalaban ng mana-naig sa laban ng Vietnam at Malaysia.

Ang mahusay na striker na si Adisak Kraisorn ang babandera sa War Ele-phants. (AT)

 

ADISAK KRAISORN

AMERICAN AZKALS

AZKALS

DISYEMBRE

GROUP STAGE

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL

SI PHIL YOUNGHUSBAND

SUZUKI CUP

THOMAS DOOLEY

WAR ELE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with