Cousins nakalabas na ng ospital pero 2-games pang ‘di lalaro

SACRAMENTO, Calif. – Nakalabas na ng ospital si Sacramento Kings center DeMarcus Cousins matapos ma-confine bunga ng viral infection dahilan para di ito makalaro nitong weekend.

Inihayag ng team na hindi lalaro si Cousins sa pagharap ng Sacramento kontra sa Indiana nitong Biyernes at kontra sa Orlando sa Sabado.

Hindi siya nakalaro sa huling tatlong laban ng Kings dahil sa karamdaman.

Ayon sa team, bumubuti na ang kalagayan ni Cou-sins at inaasahang lalaro na siya sa susunod na linggo. Sumailalim si Cousins sa isa pang evaluation nitong Martes ng gabi bago na-admit sa ospital.

Nag-post si Cousins ng litrato noong Miyerkules sa Twitter kung saan makikita na palabas na siya ng ospital.

Pinasalamatan din niya ang mga nagpadala ng mensahe at nagdasal para sa kanya.

Si Cousins ay may average na career highs na 23.5 points, 12.6 rebounds at 1.5 blocks.

 Natalo ang Sacramento ng apat na sunod matapos ang 9-5 pagsisimula sa season.

 

Show comments