Ayaw pang paawat ng AMA

MANILA, Philippines – Dudugtungan pa ng AMA University Titans ang pagpapanalo sa pagharap sa Jumbo Plastic Giants sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang laro ay magsisi-mula dakong alas-2 ng hapon at makukuha ng Titans ang kanilang ikaapat na panalo matapos ang pitong laro kung malulusutan ang Giants na balak bumangon matapos matalo sa huling asignatura.

Sasalo uli ang Caga-yan Valley Rising Suns sa liderato sa pagharap sa nangungulelat na MP Hotel Warriors sa unang laro sa ganap na ika-12 ng tanghali habang ang hu-ling labanan dakong alas-4 ng hapon ay sa hanay ng Wangs Basketball at Tanduay Light Rhum Masters.

May 4-0 baraha ang Rising Suns at inaasa-hang mas maganda pa ang maipapakita ng top rookie pick na si 6’7” center Moala Tautuaa dahil nakapagpahinga ng 13 araw ang kanyang koponan.

Gumawa ng mabangis na 25 puntos, pitong rebounds at tatlong assists si Tautuaa sa 89-84 double overtime panalo sa Café France pero umangal siya sa hirap dulot ng pisikal na laro sa liga.

Hiniya ng Titans ang Bread Story-LPU Pirates, 97-89 para sa kanilang ikalawang sunod na panalo para sa kanilang 3-3 record.

Sina Philip Paniamogan at Jay-R Taganas ang nagdadala sa koponan at kailangang maipagpatuloy nila ito laban sa Giants na gustong bumangon mula sa 66-77 pagkatalo sa kamay ng Racal Motors Alibaba.

Ikatlong panalo matapos ang limang laro ang target ng Wangs sa pakikipagharap sa Rhum Masters na may limang sunod na kabiguan na papasok sa labanan. (AT)

Show comments