^

PM Sports

Kinapos sa Meralco ang tropa ni Manny

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Umiskor ang Sorento ng 33 puntos sa kabuuan ng third period matapos matambakan ng 22 puntos.

Ngunit hindi ito sapat para makasilip sila ng tsansa sa ika-10 at huling tiket sa quarterfinal round ng 2014-2015 PBA Philippine Cup.

Sumandig ang Meralco sa three-point shooting ni veteran Mark Macapagal sa fourth quarter para tuluyan nang sibakin ang Kia, 99-93 kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tinapos ng Bolts ang kanilang dalawang sunod na kamalasan para makahirit ng tsansa sa ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals habang nakasama ng Blackwater Elite sa bakasyon ang Sorento ni playing coach Manny Pacquiao.

Sa tournament format, ang Top Two teams ang kukuha sa outright semifinals ticket, habang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage ang No. 3, 4, 5 at 6 laban sa No. 10, 9, 8 at 7, ayon sa pagkakasunod sa quarterfinals.

Itinumpok ng Meralco ang 22-point lead, 63-41 sa kaagahan ng third period hanggang maagaw ng Kia ang unahan, 72-71 mula sa three-point shot ni Reil Cervantes sa huling 10.9 segundo sa naturang yugto.

Huling nahawakan ng Sorento ang kalamangan sa 81-78 wala nang anim na minuto sa final canto.

“Last five minutes I told my players that we have two options, we let this go or let’s keep our composure and regain control of the game,” sabi ni coach Norman Black sa kanyang Bolts na kinuha ang 92-83 abante buhat sa tres ni Macapagal sa huling 4:20 minuto ng laro.

Muling nakadikit ang Kia sa 93-96 agwat sa natitirang 48 segundo ngunit ang split ni Sean Anthony at slam dunk ni Cliff Hodge ang sumelyo sa panalo ng Meralco.

Umiskor si Jared Dillinger ng 25 points para pamunuan ang Bolts kasunod ang 17 ni Hodge, 14 ni Antony, 11 ni John Wilson at 10 ni Gary David.

Meralco 99 – Dillinger 25, Hodge 17, Anthony 14, Wilson 11, David 10, Macapagal 8, Morrison 4, Cortez 3, Ferriols 3, Ildefonso 2, Sena 2, Buenafe 0, Guevarra 0.

Kia 93 – Cervantes 18, Poligrates 11, Revilla 10, Bagatsing 10, Thiele 9, Alvarez 8, Pascual 8, Dehesa 7, Custodio 6, Webb 4, Burtscher 3, Pacquiao 0, Buensuceso 0.

Quarterscores: 34-19; 60-39; 73-72; 99-93.

BLACKWATER ELITE

CLIFF HODGE

GARY DAVID

JARED DILLINGER

JOHN WILSON

KIA

MACAPAGAL

MERALCO

SORENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with