^

PM Sports

Arellano volleybelles nangunguna na

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nilimitahan ng Arellano University si San Sebastian star Gretchel Soltones para kunin ang 25-21, 15-25, 25-14, 25-18 panalo at angkinin ang solo lead sa 90th NCAA women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Humataw sina CJ Rosario at Menchie Tubiera ng tig-12 points, habang nagdagdag ng 11 si Danna Henson para sa pang-anim na sunod na panalo ng Lady Chiefs kasabay ng paglalaglag sa Lady Stags  sa 5-1 win-loss record para makatabla ang Perpetual Help Lady Altas.

Samantala, dinaig ng Jose Rizal ang Mapua, 25-21, 23-25, 25-15, 25-12 para itaas ang kanilang baraha sa 4-3.

Naglista si power-spiker Maria Shola Alvarez ng 25 hits kasama ang 19 kills, habang nagdagdag sina team captain Rosali Pepito at Elaine Eunice Caridad ng tig-11 para sa JRU.

Sa men’s play, ginulat ng Mapua ang paboritong Jose Rizal, 25-22, 25-21, 26-24, 25-22 para sa kanilang unang panalo matapos ang 0-4 panimula.

ARELLANO UNIVERSITY

DANNA HENSON

ELAINE EUNICE CARIDAD

GRETCHEL SOLTONES

JOSE RIZAL

LADY CHIEFS

LADY STAGS

MAPUA

MARIA SHOLA ALVAREZ

MENCHIE TUBIERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with