Palami, Dooley panauhin sa PSA forum

MANILA, Philippines - Ang krusyal na semifinal campaign ng Philip­pine Azkals sa Asean Football Federation Suzuki Cup kontra sa Thailand ang pag-uusapan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Shakey’s Malate.

Dadalo sina team ma­na­ger Dan Palami at coach Thomas Dooley sa nasa­bing public sports prog­ram na isinasaere nang LIVE sa DZSR Sports Ra­dio 918 at inihahandog ng Shakey’s, Accel at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAG­COR).

Tatalakayin nina Pala­mi at Dooley ang tsansa ng Azkals kontra sa Thais sa kanilang semifinals match sa Sabado.

 

Show comments