Racal ginulat ang Jumbo

MANILA, Philippines - Binuhay ni Jeff Vier­nes ang opensa ng Racal Motors  sa ikat­long yugto upang pamu­nuan ang 77-66 panalo sa Jumbo Plastic Giants sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon Ci­ty.

Ibinagsak ni Viernes ang lahat ng kanyang 19 puntos sa second half at 13 rito ay ginawa sa ikat­long yugto kung saan na-outscore nila ang naunang lumamang na Giants, 31-17, para hawakan na ang mando sa bakbakan.

“I was really disappointed with the way we played in our last game. But for this game, the boys responded well,” wi­ka ni Racal Motors coach Caloy Garcia na nakuha ang ikalawang panalo ma­tapos ang anim na laro.

May dalawang three-pointers si Viernes sa na­sa­bing yugto at pinasiklab ang 22-10 palitan upang ang 36-38 iskor ay naging 58-48 kalamangan.

Si Jason Ibay ay may­ro­ong 16 puntos at si Ja­mil Ortuoste ay may 10 para sa Alibaba na gi­na­­mi­tan din ng magkaka­ibang depensa ang Giants na nagresulta sa 23 errors.

May 10-of-27 fieldgoal shoo­ting ang Racal sa 3-point line kumpara sa 5-of-23 ng Jumbo.

Naitabla ng AMA University Titans ang baraha sa 3-3 nang pataubin ang Bread Story-LPU Pirates, 97-89, sa ikalawang laro.

Lumamang ng hanggang 25 puntos ang Titans, 81-56,  sa unang  mi­nuto ng huling yugto pe­ro nagpabaya sila para makabalik ang Pirates.

Ang steal tungo sa tran­sition points ni Jiovani Jalalon ang nagpababa sa kalamangan sa limang puntos, 91-86.

Ngunit bumanat ng apat na puntos si Philip Pa­niamogan para ilayo uli ang AMA sa pito, 95-88, at ipalasap sa Pirates ang ikaapat na kabiguan laban sa dalawang panalo.

May 17 puntos si Pa­nia­mogan sa ilalim ng 19 puntos ni Joseph Eriobu, habang si Jay-R Taganas ay nag-ambag ng 15 puntos at 18 rebounds. (ATan)

RACAL 77 – Viernes 19, Ibay 16, Or­tuoste 11, Ruaya 9, Jamito 6, Gil 5, Canta 5, Gabawan 4, Saitanan 2, Mer­cader 0, DiGregorio 0.

Jumbo Plastic 66 – Cruz 14, Terso 12, Eguillos 10, Villamor 9, Rios 6, Rosales 5. Maiquez 5, Magat 3, Javier 2, King 0, Colina 0.

Quarterscores: 12-13; 27-33; 58-50; 77-66.

AMA University 97 – Eriobu 19, Paniamogan 17, Taganas 15, Martinez 10, Ba­lucanag 9, Olivares 8, Cu­­­billo 7, Camasura 6, Sa­ba­ngan 6, Jordan 0, Diswe 0.

Bread Story-LPU 89 – Vi­gil 25, Jalalon 18, Corpuz 12, Mbomiko 12, Gamboa 9, Bulawan 5, Gabayni 4, Lao 2, Zamora 2, Baltazar 0, Taladua 0, Elmejrab 0, Daquioag 0, Bangga 0.

Quarterscores: 26-13; 50-39; 75-56; 97-89.

Show comments