^

PM Sports

Tamang game strategy susi sa panalo ng Petron

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magandang diskarte sa match-up ang isa sa mala­king dahilan kung kaya’t tinalo ng Petron Lady Blaze Spi­kers ang Generika Life Savers sa 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics noong Linggo sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Inangkin ng Petron ang 25-21, 21-25, 25-15, 25-9 tagumpay laban sa Generika at kinatampukan ito ng kanilang pagbangon mula sa 3-10 iskor sa ikatlong set.

Si American import Alaina Bergsma ay tumapos na may 21 kills patungo sa kanyang 24 puntos at siya ang nanguna sa pagbangon ng Blaze Spikers nang pagningasin ang kahanga-hangang 11-0 atake.

“Kasama sa diskarte namin ang pagtapatin sina Bergsma at (Natalia) Korovkova. Isa rin sa ginawa na­­min ay atakihin ang ibang maliliit nilang players at nag­bunga naman,” wika ni Pascua.

Hanggang sa huli ay hindi nagbago ang larong ipinakita ng 6-foot-3 na si Bergsma para ibigay sa kanya ang Most Valuable Player (MVP) trophy ng liga na inor­ganisa ng Sports Core at may suporta ng Air21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

“When we started the season, we wanted to win the championship. That was our ultimate goal,” wika ni Bergsma na muntik nang hindi naglaro sa Petron da­hil nang inalok ng puwesto ay dalawang buwan pa la­mang silang kasal ng asawang basketbolista na si Ke­vin Colbe.

“It wasn’t an easy decision, but I have to do it. I have to set everything aside to leave for Manila to play professionally,” dagdag nito.

Bukod kay Bergsma, kinilala rin ang husay ng  kakamping si Erica Adachi ng Brazil bilang Best Setter.

Pangalawang puwesto ang tinapos ng Life Savers pero sina Natalia Korovkova at Abigail Maraño ang ki­nilala bilang Best Opposite Spiker at Best Middle Blocker, ayon sa pagkakasunod.

Pahinga ang liga pero babalik ang aksyon sa Marso na kung saan may posibilidad na may mga bagong koponan pa ang papasok.

“There are two to three news teams na maaaring pumasok. We expect na mas mahihigitan ang aksyon ngayong taon sa 2015,” wika ni Sports Core president Ramon Suzara kaugnay sa susunod na season ng Super Liga.

 

ABIGAIL MARA

ALAINA BERGSMA

BERGSMA

BEST MIDDLE BLOCKER

BEST OPPOSITE SPIKER

BEST SETTER

BLAZE SPIKERS

SHY

SPORTS CORE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with