MANILA, Philippines – Naglatag ang Foton ng mahigpit na depensa sa huling maiinit na segundo ng labanan tungo sa 25-23, 18-25, 17-25, 25-12, 15-12 panalo kontra sa Mane ‘N Tail para sa mas magandang pagtatapos sa classification phase ng 2014 Philippine Superliga Grand Prix na hatid ng Asics kahapon sa Cuneta Astrodome.
Sa pangunguna ni Irina Tarasova, hindi napigilan ang Tornadoes sa deciding set para makopo ang fifth place sa women’s division ng inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core katulong ang Air21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.
Naglalaban pa ang Cignal at RC Cola-Air Force habang sinusulat ang balitang ito sa kanilang labanan para sa third place at susundan ito ng sagupaan ng Petron at Generika para sa titulong iniwanan ng three-time champion Philippine Army sa huling laro kagabi.
Nagdeliber si Tarasova ng 26 hits, tatlong blocks at apat na aces para tumapos na may 33 points para sa Foton na nakaligtas sa isa na namang mainit na performance ni Mane ‘N Tail reinforcement Kristy Jaeckel na nagtala ng 35 kills, 3-blocks at tatlong aces para sa tournament-high na 41 points.