Gustung-gusto na raw labanan ni Pacquiao si Mayweather
MANILA, Philippines – Isang malapit na associate ni Floyd Mayweather Jr. ang nagsabing gustung-gusto na ring kalabanin ng undefeated American boxer si Manny Pacquiao na kung mangyayari ay babasag ng maraming record sa kasaysayan ng boxing.
Sa interview ni Ryan Sandoval ng FightHype.com, sinabi ng longtime adviser ni Mayweather na si Sam Watson na kung gusto ni Pacquiao na ma-tuloy ang laban ay ganun din si Mayweather.
“Floyd wants to fight Manny Pacquiao real bad,” sabi ni Watson. “That’s all Floyd’s been talking about is fighting Manny Pacquiao. So once the deal is set and done, you’ll see the biggest fight you ever saw in your life.”
Galing si Pacquiao sa 12-round panalo laban kay American Chris Al-gieri sa Macau noong nakaraang linggo at bukang-bibig niya ang paglaban kay Mayweather.
Sinabi ni Watson na ganito rin ang nararamdaman ni Mayweather at sa katunayan ay dalawang laban ang kanyang tini-tingnan sa susunod na taon.
“I believe there’s going to be two fights next year,” sabi pa ni Watson. “This is the biggest fight ever. (Mike) Tyson and (Evander) Holyfield was big, Tyson and Lennox Lewis was big, Mayweather and Canelo (Alvarez) was big, but this (Mayweather-Pacquiao fight) would be the biggest fight ever…ever!”
Bibihirang makarinig mula sa kampo ni Mayweather na nagsasabing gustong labanan ng kinikilalang pound-for-pound king si Pacquiao dahil maraming naniniwala na iniiwasan niya itong harapin.
Matapos ang panalo ni Pacquiao kay Algieri, marami ang nagsasabing kaya niyang ibigay ang unang talo kay Mayweather na ‘di pa natatalo sa 47-laban.
“Floyd is ready. Floyd really wants this fight. Floyd tells me every day that he wants that fight,” sabi pa ni Watson.
- Latest