^

PM Sports

Ginebra, Purefoods asam ang quarters

Pang-masa

MANILA, Philippines – Puwesto sa quarterfinals ang balak hagipin ng sister teams na Barangay Ginebra at Purefoods Star sa PBA Philippine Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Katunggali ng Gins ang Globalport sa unang laro sa ganap na ika-3 ng hapon bago sundan ng tagisan ng mga maiinit na koponan ng Purefoods at Rain or Shine Elasto Painters dakong  ika-5:15 ng hapon.

Ang mangungunang walong koponan matapos ang single-round elimination ang magpapatuloy ng laban sa quarterfinals at ang Ginebra at Purefoods ay parehong may 5-3 baraha.

Galing ang Gins sa magkasunod na kabiguan sa kamay ng San Miguel Beer (77-79) noong Nobyembre 16 at  Meralco Bolts (99-109) noong Nobyembre 21.

Dapat na maibalik ni Jeffrey Cariaso ang sigla ng paglalaro ng number one team sa mga tagahanga ng liga dahil palaban ang Batang Pier sa pangunguna ng bagong upong interim coach na si Eric Gonzales.

Ang dating assistant coach ni Alfredo Jarencio na ngayon ay consultant ng koponan ay sasandal sa kanyang mga bagong ideya para palakasin ang laban ng  Batang Pier sa puwesto sa susunod na round.

May 4-5 baraha ang koponang pag-aari ni Mikee Romero at kasalo nila ang Bolts sa mahalagang ikapito at walong puwesto.

Balikatan din ang magaganap na laban sa pagitan ng Purefoods at Rain Or Shine Elasto Painters dahil puntirya nila ang ikalimang sunod na panalo.

May  6-2 karta pa ang Elasto Painters at ang makukuhang panalo ay magpapalakas sa paghahabol sa unang dalawang puwesto na didiresto sa semifinals.

Sa ngayon, ang Alaska Aces at San Miguel Beer ang nangunguna sa liga sa magkatulad na 8-1 baraha. (AT)

ALASKA ACES

ALFREDO JARENCIO

BARANGAY GINEBRA

BATANG PIER

ELASTO PAINTERS

ERIC GONZALES

JEFFREY CARIASO

MERALCO BOLTS

PUREFOODS

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with