Le Tour lalarga sa Pebrero
MANILA, Philippines – Sa nakaraang mga dekada ay idinaraos ang cycling event tuwing Abril o Mayo pero babaguhin ito ng Le Tour de Filipinas (LtDF) sa pamamagitan ng pagtatakda ng kanilang pang-anim na edisyon sa Pebrero 1-4, 2015 na tampok sa pagdiriwang ng ika-60 taon ng Tour sa bansa.
Ang International Cycling Union (UCI), ang world governing body para sa cycling, ang nag-iskedyul sa LtDF sa Pebrero para maging angkop sa Asian Tour calendar.
Unang isinagawa ang Tour noong 1954 sa pamamagitan ng Manila-Vigan race na pinagharian ni Antonio Arzala bilang inaugural champion.
Ang inaasahang 75 riders mula sa 15 koponan na katatampukan ng mga continental at international squads at clubs ay aakyat sa Kennon Road—isang maikli ngunit mapanganib na 18-km climb na napasama sa magagandang kuwento ng Philippine cycling history.
“We are going back to the Tour’s signature stage that frustrated numerous pretenders but paved pe-destals for dozens of champions who have gone down history as our heroes on two wheels,” wika ni LtDF chairman Alberto Lina. “This is aptly a celebration of the Tour’s 60th anniversary and all these cyclists—both local and fo-reign— deserve a chance to etch their names in diamond,” sabi pa ni Lina, chairman at president ng Air21, ang nangungunang logistics company na na-.ging susi sa pagsasabuhay ng Tour, 12 taon na ang nakararaan.
Ang Stage One na nakatakda sa Pebrero 1 ay isang out-and-back 126-km Balanga-Balanga ride sa ibabaw ng mga bundok ng Bataan na pinangyarihan ng madugong labanan noong World War II.
Aalis ang mga siklista sa Pebrero 2 sa Balanga patungo sa Iba, Zambales kung saan masusubukan ang mga sprinters sa 153.75-km route.
Ang Stage 3 sa Pebrero 3 ay 149.34-km race mula sa Iba, Zambales hanggang sa Lingayen, Pangasinan.
Bibiyahe sila sa Pebrero 4 galing sa Lingayen, Pangasinan pa-punta sa La Union bago umakyat ng Cordilleras sa Kennon Road na isang 101km. race.
- Latest