TNT tinambakan ang Barako Bull
MANILA, Philippines - Kaagad na nag-init ang opensa ng Tropang Texters na hindi na naagapan pa ng Energy.
Nagposte ng 20-point lead sa opening period, hindi na nilingon ng Talk ‘N Text ang Barako Bull para kunin ang league-conference high na 122-106 win at sumosyo sa ikaapat na puwesto sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa pagdako ng aksiyon kahapon sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna.
Iniskor ni guard Jayson Castro ang kanyang 22 points sa first half kung saan kinuha ng Tropang Texters ang 73-38 bentahe sa Energy sa halftime.
Sa second quarter ay itinala ng Talk ‘N Text ang kanilang pinakamalamalaking kalamangan na 31-points, 54-23.
Kumonekta ang Tropang Texters ng kabuuang 18 triples na isang league conference high.
Tumapos si Castro na may 26 points kasunod ang 14 ni Jimmy Alapag, tig-13 nina Larry Fonacier at Ranidel De Ocampo at 10 ni Aaron Aban para sa Texters ni coach Jong Uichico na sumulong sa 5-3 record upang saluhan ang walang larong Ginebra sa 5-3 kartada sa likod ng nangungunang Alaska (7-1) kasunod ang San Miguel (6-1 at Rain or Shine (5-2).
Sa ikalawang laro, dumiretso sa kanilang ikatlong sunod na panalo ang nagdedepensang Purefoods matapos talunin ang Meralco, 77-74.
Umangat ang Purefoods sa 4-03 record habang bumagsak sa 4-4 ang Meralco na katabla ang pahingang Globalport.
- Latest