^

PM Sports

Blaze Spikers kinuha ang win No. 8 papasok sa Final Four ng PSL

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dumiretso sa kanilang ikatlong sunod na panalo  ang Petron matapos talunin ang Mane ‘N Tail, 25-16, 22-25, 25-19, 25-23, sa 2014 Philippine Superliga Grand Prix na inihahandog ng Asics kahapon sa Muntinlupa Sports Complex.

Muling nagbida si Alaina Bergsma para sa pang-walong panalo ng Blaze Spikers kasabay ng paglalagay sa panganib sa tsansa ng Lady Stallions sa semis sa inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core katuwang ang Air21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Humataw si Bergsma ng 26 killsat 4 blocks para tumapos na may 30 points sa pagbibida sa Petron na nakalasap ng five-set loss sa RC Cola-Air Force no­ong nakaraang linggo matapos kunin ang 5-0 start.

Nag-ambag sina Frances Molina at Dindin Santiago ng 11 at 9 points, ayon sa pagkakasunod.

Sa 21-23 agwat ng Blaze Spikers sa deciding set, umiskor si Morada ng ace kasunod ang attack error ni Lilet Mabbayad sa panig ng Lady Stallions na tuluyan nang nagbigay ng panalo sa Petron.

Naglista si American import Kristy Jaeckel ng 25 hits para sa kanyang 30 points sa kanyang Mane ‘N Tail na nanganganib masibak sa Final Four.

ALAINA BERGSMA

BLAZE SPIKERS

COLA-AIR FORCE

DINDIN SANTIAGO

FINAL FOUR

FRANCES MOLINA

HEALTHWAY MEDICAL

JINLING SPORTS

LADY STALLIONS

N TAIL

PETRON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with