^

PM Sports

Aces binalasa ang Batang Pier sa Cagayan

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Natuto na ng kanilang leksyon ang Aces. Nang magposte ang Alaska ng 14-point lead sa fourth quarter ay hindi na nila hinayaang makawala sa kanila ang panalo.

Nakakuha ng 19 points kay Calvin Abueva at 14 kay JVee Casio, bumalikwas ang Aces mula sa ka­nilang unang pagkatalo ma­tapos gibain ang Glo­bal­port Batang Pier, 87-84, sa 2014-2015 PBA Phi­lippine Cup kagabi sa Xavier University Gym sa Cagayan De Oro City.

Ang pang-pitong pa­na­lo ng Alaska ang nagpatibay sa kanilang tsansang masikwat ang isa sa dalawang outright semifinals berth.

Naiwanan ng Batang Pier sa first half, 33-37, inagaw ng Aces ang una­han sa pagtatapos ng third period, 66-60, bago kunin ang 14-point advantage, 75-61, sa 8:40 minuto ng final canto.

Naghulog ang Glo­bal­port ng 14-5 bomba pa­ra makadikit sa Alaska sa 84-87 sa huling 2:11 mi­nuto.

Parehong hindi na­ka­iskor ang dalawang kopo­nan hanggang sa pagtunog ng final buzzer.

Nagdagdag sina Cyrus Baguio at Sonny Thoss ng tig-10 points para sa Aces.

Alaska 87 – Abueva 19, Ca­sio 14, Baguio 10, Thoss 10, Jazul 8, Menk 7, Manuel 6, Banchero 4, Exciminiano 4, Hontiveros 3, Dela Rosa 2, Eman 0, Dela Cruz 0.

Globalport 84 – Romeo 26, Pringle 15, Cabagnot 15, Isip 12, De Ocampo 6, Bue­nafe 5, Ponferrada 3, Jen­sen 2, Taha 0, Pinto 0, Cab­rera 0, Baclao 0.

Quarterscores: 15-22; 33-37; 66-60; 87-84.

vuukle comment

BATANG PIER

CAGAYAN DE ORO CITY

CALVIN ABUEVA

CYRUS BAGUIO

DE OCAMPO

DELA CRUZ

DELA ROSA

GLO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with