MANILA, Philippines – Bagama’t naunahan sa 1-0, kumamada naman ang Philippine Azkals ng apat na goals para talunin ang Laos, 4-1, sa pagsisimula ng 2014 AFF Suzuki Cup kagabi sa My Dinh Stadium sa Hanoi, Vietnam.
Matapos ang goal ni Khampeng Sayavutth sa 21st minute para sa 1-0 abante ng Laos, tumabla naman ang Azkals sa 1-1 mula sa iskor ni Simone Rota sa 40th minute.
Bago matapos ang first half ay nakapasok ng goal si Phil Younghusband para kunin ang 2-1 bentahe.
Sa second half ay kumamada ng dalawang goal si Patrick Reichelt sa 77th at 88th minute.
Sunod na sasagupain ng Azkals ang Indonesia sa Nobyembre 25 at ang Vietnam sa Nobyembre 28.