MANILA, Philippines – Dumiretso sa kanilang pangalawang sunod na panalo ang nagdedepensang Hotshots.
Ngunit hindi kuntento si head coach Tim Cone sa ipinakita ng Purefoods.
“We certainly didn’t play that well,” sabi ni Cone matapos nilang takasan ang Blackwater. “They missed some shots that could’ve gotten them over the hump. It could be closer than it was.”
Umiskor si PJ Simon ng 18 points, habang nagdagdag ng 16 si Joe Devance kasunod ang 11 ni Allein Maliksi para ihatid ang Hotshots sa 90-82 panalo laban sa Elite sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Ang panalo ang nagtabla sa Purefoods sa Meralco at Globalport, kasalukuyan pang nilalabanan ang Talk ‘N Text habang isinusulat ito, at nalasap naman ng Blackwater ang kanilang ika-pitong sunod na kamalasan.
Ipinoste ng Hotshots ang 15-point lead, 46-31, sa 2:23 minuto ng second period hanggang makadikit ang Elite sa 52-53 sa 5:37 minuto ng third quarter matapos ang 39-46 halftime deficit.
Purefoods 90 - Simon 18, Devance 16, Maliksi 11, Melton 8, Mallari 8, Pingris 7, Taha 6, Barroca 6, Yap 6, Hols-tein 3, Reavis 1, Gaco 0, Matias 0, Allado 0.
Blackwater 82 - Faundo 14, Salvacion 14, Nuyles 12, Artadi 12, Ballesteros 8, Gamalinda 6, Heruela 5, Erram 4, Laure 4, Tiongson 3, Menor 0, Rodriguez 0, Timberlake 0.
Quarterscores: 26-21; 46-39; 67-58; 90-82.