MANILA, Philippines - Nanggaling sa two-month training sa Amsterdam, Netherlands, ipinakita ni Marian Jade Capadocia ang kanyang mga natutunan matapos pabagsakin si Angela Cabral, 6-4, 6-2 sa pagsisimula ng pagdedepensa niya sa women’s singles ng 33rd Phl Columbian Association Open kahapon sa Plaza Dilao courts.
Inamin ni Capadocia, ang three-time winner ng annual event na may nararamdaman pa siyang jetlag matapos dumating sa bansa noong Lunes para sumabak sa torneong inihahandog ng Cebuana Lhuillier at Metro Global Holdings.
Makakatapat ng 19-anyos na si Capadocia sa se-cond round si Rafaella Villanueva, tinalo si Ingrid Gonzales, 6-0, 6-2.
Nakapasok din sa second round ang mga kapatid ni Capadocia na sina Jella at Charito matapos talunin sina Macy Gonzales, 7-6 (4), 6-3 at Janina Luis, 6-3, 6-1, ayon sa pagkakasunod.
Nagtala namanNanggaling sa two-month training sa Amsterdam, Netherlands, ipinakita ni Marian Jade Capadocia ang kanyang mga natutunan matapos pabagsakin si Angela Cabral, 6-4, 6-2 sa pagsisimula ng pagdedepensa niya sa women’s singles ng 33rd Phl Columbian Association Open kahapon sa Plaza Dilao courts. ng magkahiwalay na panalo ang mag-utol na Christine at Clarice Patrimonio, mga anak ni PBA legend Alvin Patrimonio, laban kina Chloe Mae Saraza, 6-2, 6-2 at Anna Vienna Bienes, 6-0, 6-1.
Ang iba pang nagmartsa sa second round ay sina Maika Tanpoco, Hannah Espinosa at Princess Castillo.
Giniba ni No. 3 Balanga si Rachelle de Guzman, 3-6, 6-3, 7-5; pinatumba ni No. 4 Tanpoco si Erika Manduriao, 6-2, 6-2; dinomina ni No. 5 Espinosa si Eren Penados, 6-0, 6-0; at pinayukod ni Castillo si Jennelyn Magpayo, 6-2, 6-0.
Sa men’s division, makakatagpo ngayon ni defending champion Johnny Arcilla si Jed Olivarez, habang sasagupa sina top seed PJ Tierro, No. 3 Marc Anthony Reyes at No. 4 Elbert Anasta kina Bernardine Siso, Arvin Ruel at Israel Abarquez, ayon sa pagkakasunod.