AIBA World Women’s C’ships; Petecio nalo uli

JEJU Island, South Korea –  Kinuha ni Filipina Nesthy Petecio ang kanyang pangalawang sunod na panalo sa AIBA World Women’s Championships makaraang payukurin si Manel Meharzi ng Algeria.

Paulit-ulit na kumonekta ang Pinay featherweight  (57 kg.) ng kombinasyon laban kay Meharzi, ang sinasabing pinakamagaling sa Algerian line-up, patungo sa kanyang unanimous decision victory.

Nagpakawala si Petecio ng isang three-shot combo kasunod ang kanyang mabibigat na right cross na pumuwersa sa Russian referee na bilangan ang Algerian ng dalawang standing 8-counts.

Binigyan ng mga judges ang pambato ng Davao del Sur ng mga iskor na 40-35, 40-34, 40-35 para sa kanyang pangalawang sunod na panalo sa torneo.

Ang panalo ni Petecio ay pampalubag loob sa pagkatalo ni defending light flyweight (48 kg.) champion Josie Gabuco na yumukod kay Taiwanese  Pin Meng Chieih.

Ang 27 gulang na single mother mula sa Palawan, wna nanalo sa event na ito sa Qinhuangdao, China dalawang taon na ang nakakaraan, ang heavy favo-ritesa laban ngunit ‘di umubra sa  mahabang kamay at mabilis na si Pin na mas malaki sa kanya.

Minalas din si flyweight (51 kg.) Irish Magno nang mabigo kay 2012 World  Championships silver medalist Terry Gordini.

Samantala, papagitna si world light flyweight champion Josie Gabuco sa aksyon sa pagsagupa kay Pin Meng-Chieh ng Chinese-Taipei.

Kabuuang 280 boxers mula sa 67 bansa ang lumahok sa torneo na matatapos sa Nov. 24.

Show comments