PHUKET, Thailand — Naghatid sina Jose Vicente Cembrano at Susan Madelen Larsson ng bronze-medal sa Phl Team mula sa mixed team event ng cable wakeskate kahapon sa 4th Asian Beach Games.
Umiskor ang 24-gulang na si Cembrano sa men’s side ng 79.33 points habang ang Filipino-Swedish na si Larsson, nauna nang naka-silver sa kanyang individual event, ay pumangalawa (78.33) sa heats sa likod ni wo-men’s wakestake champion Tantanasorn Chaiyabood ng Thailand (81.00).
Lumikom ang Philippines ng 3,802 points para sa bronze matapos pumuwesto bilang fourth at fifth sina Samantha Bermudez at Andrea Tanjanco sa women’s heats at sina Angelo Linao at Paul Cantos ay tumapos bilang sixth at seventh sa kompetisyong ginawa sa Bangneow Dam dito.
“Our opponents here are well-trained. I know we can win in this event but we must work harder than them,’’ sabi ni Cembrano, naka-bronze rin sa men’s individual cable wakeskate kamakalawa.
Nakopo ng Thailand ang gold medal sa kanilang 5,341 points at pumangalawa ang Korea matapos lumikom ng 5,079 points.
Suma-total, ang mga Filipino cable wakeska-ters ay mag-uuwi ng isang silver at dalawang bronze medals para sa kabuuang dalawang golds, isang silver at apat na bronzes ng Phl Team matapos ang limang araw na aksiyon.
“It was a tough and difficult competition but des-pite of the odds, we ma-naged to win medals,’’ sabi ng 24-gulang na si Larsson.
Sa Karon Beach, may pag-asa naman kay windsurfer Geylord Coveta na nangunguna sa men’s RS:One event matapos ang limang races sa kanyang 11 points habang nakasunod si Li Tao ng China na may 16.
Kailangang mamintena ni Coveta, ang reigning world champion sa event na ito, ang kanyang pangu-nguna sa tatlong races pa para sa pinakamababang score na mananalo ng gold.