MEMPHIS, Tenn. -- Giniba ng Memphis Grizzlies ang depensa ng Houston Rockets para sikwatin ang 119-93 panalo sa labanan ng dalawang koponang may pinakamagandang record sa NBA.
“They just beat the hell out of us,’’ sabi ni Rockets coach Kevin McHale.
Habang nahirapan ang Rockets sa kanilang depensa, ipinakita naman ng Grizzlies ang kanilang mahusay na all around performance sa season.
“This team could easily come in and beat us by 30, and we came in and stayed focused,’’ wika ni point guard Mike Conley, pinamunuan ang Memphis sa kanyang 19 points at 6 assists. “I thought it was a good statement to the rest of the league that we’re one of the teams to be reckoned with.’’
Ang matinding showdown na inasahan sa dalawang koponang may 9-1 record at kilala bilang mga defensive squads sa liga ay hindi nangyari.
Ito ay matapos iposte ng Grizzlies ang 16-point lead sa first quarter at pinalobo pa ito sa 36-points sa fourth quarter.
Pitong players ang tumapos ng double figures para sa Memphis, nakamit ang kanilang ikaapat na sunod na panalo. Umiskor si Courtney Lee ng 15 points habang may 14 si Zach Randolph kasunod ang tig-13 nina Quincy Pondexter, Beno Udrih at Jon Leuer.
Sa Cleveland, hindi nakasali si Le-Bron James sa morning shootaround dahil sa sipon at ang kabiguan ng Cavaliers sa Denver Nuggets ay lalong hindi nakabuti sa kanyang pakiramdam.
Umiskor si Ty Lawson ng 24 points at may 23 si Arron Afflalo para wakasan ng Nuggets ang four-game winning streak ng Cavaliers sa pamamagitan ng 106-97 panalo.
Pinamunuan ni James ang Cavaliers sa kanyang 22 points ngunit naagaw ng Denver ang kalamangan sa third quarter at umangat ng 14 puntos sa fourth period.