BOSTON – Ikinadismaya ni LeBron James ang inilaro ng Clevaland sa third quarter ngunit sa fourth period ay nakabawi ang Cavaliers.
Nagtuwang sina James at Kyrie Irving para tulu-ngan ang Cavaliers sa 122-121 panalo laban sa Celtics.
Humugot si James ng 10 sa kanyang season-high na 41 points sa fourth, habang gumawa si Irving ng 15 sa kanyang 27 markers sa final quarter para sa pangatlong sunod na panalo ng Cleveland.
Ang mas mahalaga para sa Cavs ay nalimitahan nila ang Celtics sa 20 points sa huling 12 minuto matapos pabayaan ang kalaban na tumirada ng 42 sa third.
“We gave up a 40-point quarter and that’s unacceptable if we want to grow,’’ sabi ni James. “But we showed growth in the fourth quarter.’’
Isinalpak ni James ang isa sa kanyang dalawang free throws sa huling 36 segundo para ibigay sa Cleveland ang kalamangan.
Nawala sa Celtics ang bola ngunit naimintis naman ni Irving ang kanyang layup na nakuha ni Avery Bradley para sa Boston sa natitirang pitong segundo.
Nawalan ng kontrol sa bola si Rajon Rondo, tumapos na may 16 assists at napuwersang tumira sa pagtunog ng final buzzer.
“We had a couple of different options,’’ sabi ni Cel-tics coach Brad Stevens. “Rondo had a good matchup, but Joe Harris did a nice job on him.’’
Sa Los Angeles, humakot si Tim Duncan ng 13 points at 11 rebounds, habang humugot si Cory Joseph ng walo sa kanyang 14 points sa fourth quarter para igiya ang San Antonio sa 93-80 panalo kontra sa Los Angeles Lakers tungo sa ikatlong sunod na tagumpay ng Spurs sa California.
Nagdagdag si Kawhi Leonard ng 12 points para sa defending NBA champions.