TORONTO -- Nakasama si Derrick Rose sa starting lineup ng Chicago sa ikalawang sunod na game ngunit tinapos niya ang laro na nakaupo sa bench dahil sa isa na namang leg injury.
Humakot si Pau Gasol ng season-high 27 points at 11 rebounds, habang umiskor si Rose ng 20 points bago iwanan ang laro bunga ng sumasakit na left hamstring nang talunin ng Bulls ang Raptors, 100-93, nitong Huwebes ng gabi.
“I think it’s minor,’’ sabi ni Rose, nakuha ang naturang injury matapos madulas sa kanyang pagsalaksak sa dulo ng fourth quarter. “I just overstepped. I probably stretched out a little bit more with my left leg and I probably got a cramp in it,” dagdag pa nito.
Sinabi ni Rose na lalag-yan lamang niya ng yelo at muscle stimulation ang kanyang injury ngunit hindi tiniyak kung makakalaro siya sa kanilang nakatakdang home game laban sa Indiana.
“He’ll be evaluated when we get back (to Chicago),’’ sabi ni Bulls coach Tom Thibodeau kay Rose. “They’ll make sure everything is good. He says he just tweaked it and everything is fine.’’
Nagdagdag naman si Jimmy Butler ng 21-points kasunod ang 14 ni Mike Dunleavy para sa ikaanim na panalo ng Bulls sa huling pitong laro at tinapos ang five-game winning streak ng Raptors sa paghaharap ng dalawang koponang may pinakamagandang record sa Eastern Conference.