^

PM Sports

Sino ang susunod na Gilas coach? Mahaba ang listahan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi magiging maikli ang sinasabing ‘short list’ ng mga kandidato para sa Gilas head coaching job dahil walo ang posibleng nominado na pasok sa kriterya na inaasahang aaprubahan ni SBP president Manny V. Pangilinan anumang araw.

Ang kriterya ay isinumite kay Pangilinan isang araw matapos magpulong ang Selection Committe, binubuo nina SBP vice chairman Ricky Vargas, PBA chairman Patrick Gregorio, PBA vice chairman Robert Non, PBA commissioner Chito Salud at SBP executive director Sonny Barrios, na umabot ng 2 1/2 oras noong Martes na ginanap sa isang restaurant sa Quezon City.

Bagama’t hindi pa napag-usapan ng Selection Committee kung sino ang kanilang ino-nominate sa listahan, sinabi ng isang source na walo ang maaaring maging kandidato na sina Eric Altamirano, Tab Baldwin, Norman Black, Tim Cone, Yeng Guiao, Robert Jaworski, Franz Pumaren at Joseph Uichico.

Hindi ibinunyag ng Committee kung ano ang nilalaman ng kriterya ngunit ang pagkakaroon ng international experience ang prayoridad.

Ang walo ay puro may mga karanasan sa national team ito man ay maging sa elite o age-group level na international competition.

Ang 48-anyos na si Altamirano ang gumiya sa NU sa UAAP senior men’s title ngayong taon at may dalawang PBA crowns.

Pinamunuan niya ang national team sa FIBA Asia U16 Championships sa Malaysia noong 2009.

Ang 56-anyos na si Baldwin ang nagdala sa New Zealand sa FIBA World Cup semifinals noong 2002 at Jordan sa second place sa FIBA Asia Championships noong 2011. Nag-coach siya ng tatlong beses sa FIBA World Cup at sa Olympics.

Ang 57-anyos na si Black, isang PBA Grand Slam champion coach, ang umagapay sa Philippine team sa 1994 Hiroshima Asian Games.

Ang 56-anyos na si Cone, isang two-time PBA Grand Slam champion coach, ang naghatid sa Phi-lippines sa Jones Cup title noong 1998 at sa bronze medal noong 1998 Bangkok Asian Games.

Ang 55-anyos na si Guiao, may anim na PBA titles, ang mentor ng Philippine team sa FIBA Asia Championships noong 2009.

Ang 68-anyos na si Jaworski ang tumulong sa Philippines sa pagsikwat sa silver medal sa 1990 Beijing Asian Games.

Ang 50-anyos na si Pumaren, isang multi-titled UAAP champion coach sa La Salle, ang naging bench tactician ng bansa sa FIBA Asia U18 Cham-pionships sa Iran noong 2008.

Ang 52-anyos namang si Uichico ang gumiya sa koponan sa fourth place sa 2002 Busan Asian Games.

Ang Selection Committee ay inaasahang pupulu-ngin ni Vargas sa susunod na linggo.

Sinabi ng source na ang susunod na hakbang ay ang paggawa ng listahan ng mga kandidatong coach base sa kriterya na aaprubahan ni Pangilinan. 

 “Once the Committee forwards its list of candidates and recommendations, its work will be basically over,” wika ng source. “Mr. Pangilinan, as SBP president, then takes over the decision-making.   Whether the Committee will need a third meeting after next week is still not determined.”

Hindi tinalakay ng Selection Committee kung magkakaroon ng bagong pool ng mga Gilas players.

 “It’s still not decided if the Committee will suggest a new pool or just leave it to the new coach to recommend a pool,” sabi ng source.

“At the moment, the focus is making the list of coaching candidates. Once the new coach is named by Mr. Pangilinan, then the SBP moves forward to take up the matter of the new pool of players.”(QH)

ANG SELECTION COMMITTEE

ANYOS

ASIA CHAMPIONSHIPS

GRAND SLAM

MR. PANGILINAN

NOONG

PANGILINAN

SELECTION COMMITTEE

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with