MANILA, Philippines – Magpapang-abot ang dalawang wala pang talong koponan na Jumbo Plastic Giants at Café France Bakers habang sasalo rin sa 3-0 karta ang Cagayan Valley Ri-sing Suns sa pagbabalik-laro ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ang Bakers at Giants ay magkikita dakong alas-2 ng hapon at mag-uunahan sila sa pagpapalawig ng winning streak sa tatlong sunod.
Tinalo ng Bakers ang MP Hotel Warriors (86-59) at Racal Motors (67-56), habang ang Giants ay na-ngibabaw sa Bread Story-Lyceum (79-74) at Cebuana Lhuillier Gems (63-61).
Ang huling panalo ng Jumbo Plastic ang nagpapatibay sa estado ng koponan bilang isa sa mga biga-ting team sa liga bagay na siyang nais na masukat ni coach Edgar Macaraya.
Kasukatan ng Rising Suns ang Gems sa hu-ling laro dakong alas-4 ng hapon at aasa pa rin ang una sa galing ni Michael Mabulac para maisantabi ang ‘di paglalaro ng top rookie pick na si 6’7” Moala Tautuaa na luma-laro pa sa ASEAN Basketball League Finals para sa koponan ng Malaysia.
Babangon naman ang Tanduay Light sa masamang pagkatalo sa hu-ling laro laban sa Bread Story-Lyceum sa unang sultada sa ganap na ika-12 ng tanghali.
Ipinahiya ng Hapee Fresh Fighters ang Rhum Masters, 73-53 para magsolo sa unahan ang bataan ni coach Ronnie Magsanoc sa 3-0 baraha.
Napapaboran ang Tanduay sa Bread Story hindi lamang dahil hindi pa nananalo ang nasabing koponan matapos ang dalawang laro kungdi dahil babalik din sa bench ang head coach ng Rhum Masters na si Lawrence Chongson.
Binigyan ng one-game suspension at pinatawan ng P150,000.00 multa si Chongson matapos ang mainit na pahayag tungkol sa di balanseng kompetis-yon sa liga. (AT)