MANILA, Philippines - Magiging busy si Freddie Roach sa Cotai Arena sa Venetian Resort Macau sa Nov. 23.
Hindi lang si WBO welterweight champion Manny Pacquiao ang kanyang aasikasuhin sa pagharap nito kay Chris Algieri dahil kailangan ding intindihin ng six-time Trainer of the Year awar-dee sina Mexican Antonio DeMarco at Chinese flyweight Zou Shiming na lalaban sa undercards.
Nasa General Santos City ang 28-gulang na si DeMarco para magsanay kasama si Pacquiao sa ilalim ni Roach.
Ka-sparring ng Mexican southpaw sina Filipino Dan Nazareno at WBA No. 5 welterweight contender Teerechai Kra-tingdaeng Gym.
Haharapin niya si WBA lightwelterweight champion Jessie Vargas sa 12-round bout sa Macau sa tangka ni Roach na madagdagan ang kanyang koleksiyong titulo.
Noong 2011 sa Los Angeles, nasa kampo ng kalaban ni DeMarco si Roach snang nasa panig pa siya ni Jorge Linares.
Naghahabol si DeMarco sa scorecards ng tatlong judges, 98-92, 99-91, 98-92, nang itigil ni referee Raul Caiz, Sr. ang laban dahil hindi na puwedeng magpatuloy si Linares bunga ng malaking sugat nito sa ilong.
Inokupahan ni DeMarco ang bakanteng WBC lightweight title. Makalipas ang isang taon, ipinasa niya ito kay Adrien Broner matapos matapos bumagsak sa ikawalong round.
Noong December ay lumapit si DeMarco kay Roach at nagsimulang magsanay sa Wild Card Gym.
Ang isa pang alaga ni Roach na nasa undercard ay si Shiming na haharap sa karibal na Thailander na si Kwangpichit Onesongchai sa unang 12-round bout.
Sina Shiming at Kwangpichit ay parehong 33-gulang ngunit si Shi-ming, two-time Olympic gold medalist ay may 5-0 record kasama ang isang KO habang si Kwangpichit ay may 27-0-2 kartada kasama ang 12 KOs.
Maraming biktimang Pinoy boxers si Kwangpichit na kinabibilangan nina Jay-Ar Estremos, Dondon Gimenea, Noli Morales, Frederix Rodriguez, Noel Adelmita, Fernando Ocon, Roilo Golez at Geboi Mansalayao.