David Lee ‘di makakasama sa road trip

MANILA, Philippines - Nakatakdang sumailalim si two-time All-Star power forward David Lee ng Golden State Warriors sa isang MRI para sa kanyang hamstring nitong Huwebes ng hapon.

Haharapin ng Golden State ang Houston sa Sabado at ang Phoenix sa Linggo.

‘Di lumaro si Lee sa unang 3-games dahil sa napuwersang hamstring.  Umiskor siya ng 6 points sa 7 minutong paglalaro sa first half sa 121-104 panalo ng Warriors sa LA Clippers noong Miyerkules bago muling nagkaroon uli ng hamstring injury. 

Ayon kay Warriors coach Steve Kerr baka hanggang susunod na linggo ‘di makalaro si  Lee.

Show comments