^

PM Sports

Houston dinurog ang San Antonio

Pang-masa

HOUSTON -- Kumayod si Dwight Howard ng 32 points at humatak ng 16 rebounds para tulungan ang Houston Rockets sa 98-81 paglampaso sa nagdedepensang San Antonio Spurs.

Sinamantala ni Ho-ward ang kahinaan ng Spurs sa shaded lane dahil sa hindi paglalaro nina Tim Duncan at Tiago Splitter.

Hindi rin nakalaro si Manu Ginobili matapos pagbidahan ang San Antonio sa 94-92 panalo sa Atlanta Hawks.

Binanderahan ni Ho-ward ang Houston na may hawak ngayon ng league-best 6-0 record habang ipi-nalasap nila sa Spurs ang ikalawang talo sa 4-laro.

Naglista naman si James Harden ng 20 points, 6 rebounds at 6 assists sa pang-anim na sunod na panalo ng Houston.

Pinangunahan naman ni Cory Joseph ang Spurs sa kanyang 18 points mula sa bench kasunod ang 12 ni Aaron Baynes na nagdag-dag din ng 11 rebounds.

Sa hindi paglalaro nina Duncan at Splitter, binomba ng Rockets ang Spurs sa shaded lane sa pamumuno ni Howard.

Kaagad na nakapag-lista si Howard ng double-double na 20 points at 12 rebounds sa halftime matapos dominahin sina Matt Bonner, Jeff Ayers, at Baynes.

Hindi na nga nakontrol ng Spurs si Howard, nahirapan pa silang umiskor.

Nakalapit ang San Antonio sa 15-18 sa first quarter bago ibinaon ng Houston ng 31-points.

Sa Portland, Oregon, nagtala si LaMarcus Aldridge ng 20 points at lumamang ang Portland Trail Blazers ng hanggang  27 points tungo sa 108-87 pananalasa sa Dallas Mavericks.

 

AARON BAYNES

ATLANTA HAWKS

CORY JOSEPH

DALLAS MAVERICKS

DWIGHT HOWARD

HOUSTON ROCKETS

HOWARD

JAMES HARDEN

JEFF AYERS

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with