Rockets ‘di mapigilan
MIAMI – Walang misteryo sa game plan ng Houston. Marami lang talaga silang ipinasok na tres, binigyan nila nang binigyan ng bola si Dwight Howard at takbuhan sila nang takbuhan.
Kulang lang ng isang rebound si James Harden para makapagtala ng triple-double, umiskor si Howard ng 26 points at humatak ng 10 rebounds para manatiling walang talo ang Rockets nang kanilang igupo ang Mia-mi Heat, 108-91 nitong Martes ng gabi sa NBA.
“We’ve started great,’’ sabi ni Howard. “We just want to finish great.’’
Tumapos si Harden na may 25 points, 10 assists at siyam na rebounds para sa Houston na nanalo sa kanilang limang laro kabilang ang 4-road games, sa double digits para sa dominanteng panimula.
Sa Toronto, tulad ng inaasahan ay talo na naman ang Oklahoma at nadagdagan na naman ang may injury sa kanilang team.
Umiskor si DeMar DeRozan ng 16 points at si Patrick Patterson ay may 14 nang pasadsarin ng Toronto Raptors ang minamalas na Thunder, 100-88.
“It feels like a nightmare and I’m ready to wake up,’’ sabi ni Oklahoma City guard Reggie Jackson.
Sinimulan ng Thunder ang laro na may walong active players lamang at sa pagtatapos ng game, anim na lang ang natira nang magka-injury sa tuhod si Perry Jones habang na-eject naman sa laro si guard Sebastian Telfair dahil sa flagrant-2 foul.
- Latest