NEW YORK – Sa gabing napasama si Carmelo Anthony sa 20,000 point club ng NBA, umiskor siya ng 28 points kabilang ang go-ahead basket sa huling 1:23 minuto ng laro nang ungusan ng New York Knicks ang Charlotte Hornets, 96-93 nitong Linggo ng gabi.
Umiskor si Al Jefferson ng 21 points at nag-dagdag si Gary Neal ng 17 points off the bench para sa Hornets (1-2) na lumasap ng ikalawang sunod na talo.
Bumagsak si Charlotte guard Michael Kidd-Gilchrist ng masama sa first quarter at ‘di na bumalik pa sa laro. Ayon sa spokeman ng Hornets, dinala si Kidd-Gilchrist sa isang ospital sa New York City para sa CT scan at nakita ang pasa sa tadyang.
Nagtala si Amar’e Stoudemire ng 17 points off the bench para sa Knicks (2-1) na nanalo ng ikalawang sunod. Nagdag-dag si Iman Shumpert ng 15 points.
May 2:49 minuto ang natitira sa fourth quarter nang umiskor si Kemba Walker ng reverse lay-up para sa 93-90 kalama-ngan ng Hornets.
Matapos ang turnover ni Lance Stephenson, nakita ni backup point guard Pablo Prigioni na open si Shumpert na nagbigay daan sa 3-pointer, 2:06 minuto ang oras para sa 93-all.
Nagmintis si Walker ng layup sa huling 1:42 minuto ng laro na nagbi-gay daan sa 15-foot jumper ni Anthony para sa 95-93 kalamangan ng Knicks.
Sa Miami, umiskor si Chris Bosh ng 21 points at humatak ng 11 rebounds habang nagdag-dag si Dwyane Wade ng 19 points nang talunin ng Miami ang Toronto, 107-102 para sa ika-16 sunod na panalo ng Heat sa Raptors.
Ang Heat ang natitirang team na wala pang talo sa Eastern Conference.
‘’The guys, they see how our team will have to play to be successful,’’ ani Heat coach Erik Spoelstra.
Tumapos din si Wade na may 11-rebounds at pitong assists para sa Heat (3-0). Umiskor si Luol Deng ng 18 points, nagdagdag si Shawne Williams ng 16 habang tumapos si Mario Chalmers ng 12 para sa Miami.
Sa Los Angeles, matapos matalo sa LA Clippers ng apat na beses noong nakaraang season ay nakabawi ang Sacramento Kings sa pamamagitan ng 98-92 panalo.