^

PM Sports

Rising Suns, Active Smashers lumapit sa korona ng V-League

Pang-masa

MANILA, Philippines – Naisakatuparan ng Cagayan Valley ang plano na magkaroon ng balanseng atake para igupo ang Philip­pine Army sa 25-20, 20-25, 25-21, 25-18 sa Game One ng Shakey’s V-League Season 11 Third Confe­rence Finals kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Sina Thai imports Amporn Hyapha at Patcharee Saengmuang ay gumawa ng 17 at 14 puntos at nagsa­nib sa 29 kills pero naroroon ang suporta ng mga locals para ilapit ng Lady Rising Suns ang sarili sa korona sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Sha­key’s at may suporta ng Accel at Mikasa.

Nakitaan naman ng matinding determinasyon ang Systema Active Smashers para talunin ang Instituto Estetico Manila Volley Masters, 21-25, 23-25, 25-19, 25-23, 16-14, sa men’s finals sa unang laro.

Isinantabi ang mahinang panimula, bumangon ang Active Smashers mula sa match point at sinandalan ang galing ni Sylvester Honrade para ilapit ang sarili sa isang panalo tungo sa kampeonato sa liga.

Sina Honrade at Chris Macasaet ay nagsanib sa 9 blocks tungo sa 14 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod, habang sina Patrick John Rojas at Angelo Espiritu ay may 15 at may 10 pa si Christopher Antonio.

Samantala, sina Jeffrey Jimenez at Aiza Maizo-Pon­tillas ang kinilala bilang MVP ng torneo.

Ang iba pang pinarangalan ay sina Salva­dor Depante at Aiza Maizo-Pontillas bilang Best Scorer, sina Ji­menez at Jovelyn Gonzaga bilang Best Spikers, Hon­­rade at Aby Maraño bilang Best Blockers, Joshua Bar­rica at Chi Saet bilang Best Servers, Renz Ordoñez at Ruby De Leon bilang Best Setters, Kenneth Bay­king at Lizlee Ann Pantone bilang Best Diggers. (AT)

vuukle comment

ABY MARA

ACTIVE SMASHERS

AIZA MAIZO-PON

AIZA MAIZO-PONTILLAS

AMPORN HYAPHA

ANGELO ESPIRITU

BEST BLOCKERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with